ALERT! CALL FOR BAIL SUPPORT!
Nakatanggap tayo ngayong araw ng nakakabahalang ulat: alas-dos ng madaling araw kanina, ilegal na dinetine ng kapulisan ang mga peasant advocates, artists, at kanilang mga kaibigan sa Quezon City.
Kabilang sa mga ilegal na dinetine ay si Asst. Prof. Alice Sarmiento mula sa UPOU, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Angelo Suarez, Donna Miranda, at Paul Catiang. Sinampahan sila ng mga kasong obstruction of justice, disobedience, at direct assault—mga paratang na walang sapat na batayan.
Sila ay pauwi sa kanilang tahanan nang matagpuan ang kahina-hinalang pag-aresto sa kanilang kapitbahay, kung saan sila ay nagtanong kung mayroon bang warrant of arrest ang mga pulisya. Bagay na nagresulta sa matensyong sagutan at dito na sila ilegal na dinetine at inaresto ng mga kapulisan.
Mariing kinukondena ng Konseho ng Mag-aaral ng UPOU ang patuloy na pang-aabuso ng kapulisan, ang pagmamalabis sa kanilang awtoridad, at ang sistematikong panunupil sa mga progresibong indibidwal.
Mga E-skolar ng bayan, magkaisa tayo! Tulungan natin sila para sa kanilang kagyat na paglaya—lalo na si Asst. Prof. Sarmiento, isang propesor sa ating pamantasan. Patuloy tayong manawagan sa hustisya at pagkundena sa pang-aabuso ng pwersa ng estado!
See this link