𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴
𝗘𝗱𝘀𝗮
𝗞𝘄𝗮𝗿𝗲𝗻𝘁𝗮,
𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗵𝗮𝗻𝗶𝗻
𝗮𝗻𝗴
𝗱𝗶𝘄𝗮
𝗻𝗴
𝗥𝗲𝗯𝗼𝗹𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻𝗮𝗿𝘆𝗼𝗻𝗴
𝗣𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮!
Apatnapung taon na ang nakalipas nang nagkaisa ang bayan at
ipinakita ng bawat Pilipino ang tapang at pagkakaisa laban sa diktaduryang
Marcos. Subalit ngayon, ang pamilyang nagdala ng krisis, pasismo, katiwalian,
at kadiliman sa ating bansa ay muling nakaupo sa kapangyarihan. Hindi tayo
mananahimik! Hindi tayo magpapagapi! Hindi na muli papayag na maulit ang
bangungot na iyon!
Sa talakayang ito na pinamagatang “𝗥𝗶𝘀𝗲
𝗮𝗻𝗱
𝗙𝗮𝗹𝗹
𝗼𝗳
𝘁𝗵𝗲
𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀
𝗗𝗶𝗰𝘁𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽,”
ay tatalakayin natin kung paano nakuha at inabuso ang ng diktadurya Marcos ang
kapangyarihan niya at kung paano niya pinahirapan ang sambayanang Pilipino, at
hanggang sa tuluyang pagbagsak ng kanyang rehimen. Layunin ng diskursong ito na
hindi lamang balikan ang kasaysayan at gunitain ang EDSA 40, kundi palakasin
ang kritikal na kamalayan ng bawat kabataan at mamamayang Pilipino upang
labanan at hindi payagan ang anumang pagbalik ng pasismo at katiwalian sa
bansa.
Ito ang pagkakataon upang ipaglaban ang karapatan sa
kaalaman, ipakita ang tapang ng kabataan, at pagtibayin ang paninindigan para
sa isang malay, malaya, at mapagpalayang lipunan. Hinihikayat namin ang lahat
ng mga e-skolar ng bayan at kabataan na makilahok at magpadalo sa talakayang
ito upang sama-samang mapalalim ang kaalaman sa ating kasaysayan at maunawaan
ang epekto nito sa kasalukuyan.
𝗔𝗡𝗢: Educational Discussion on
The Rise and Fall of the Marcos Dictatorship
𝗞𝗔𝗜𝗟𝗔𝗡:
Pebrero 24, 2026 (Martes) | 2 - 5 NH
𝗦𝗔𝗔𝗡: Google Meet
𝗠𝗔𝗚-𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢:
https://forms.gle/iBusmyju2GFKoeVw5
𝗡𝗲𝘃𝗲𝗿 𝗔𝗴𝗮𝗶𝗻,
𝗡𝗲𝘃𝗲𝗿
𝗙𝗼𝗿𝗴𝗲𝘁!
𝗟𝗮𝗵𝗮𝘁
𝗻𝗴
𝗦𝗮𝗻𝗴𝗸𝗼𝘁,
𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁
𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗼𝘁
- 𝗠𝘂𝗹𝗮
𝘀𝗮
𝗧𝘂𝗸𝘁𝗼𝗸!
#EDSA40
#UPOUSinagtala